Nagpahayag ng kahandaan si Pangulong Rodrigo Duterte na harapin ang sentensyang kamatayan sakaling mapatunayan ng International Criminal Court (ICC) na guilty siya sa crimes against humanity.
Ito ay kaugnay sa war on drugs ng pamahalaan.
Sa campaign rally ng PDP-Laban sa Cauayan City, Isabela sinabi ng Pangulo na tatanggapin niya ang hatol na death sentence ng ICC.
Una nang iginiit ng Pangulo na walang hurisdiksyon ang ICC sa kanya at ang Rome Statute nito ay hindi maaaring pairalin sa Pilipinas dahil hindi naman ito nailathala sa government publication o anumang commercial newspaper.
Sa March 17, magiging epektibo ang pag-alis ng Pilipinas sa pagiging miyembro nito sa ICC.
Ang Pilipinas ay magiging ikalawang bansa na kakalas sa tribunal pagkatapos ng Burundi noong 2017.
Sa ngayon, ang Pangulo ay nahaharap sa dalawang “communications” o reklamo kaugnay ng drug war sa ICC, na binuksan nitong Pebrero 2018 ang preliminary examination para rito.