PRRD, “hands off” na sa pagpili ng susunod na house speaker

Manila, Philippines – Tuluyan nang tinanggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpili sa susunod na house speaker.

Sa kanyang talumpati sa oath taking ng mga bagong halal na senador sa Malacañang kagabi sinabi ng Pangulo na ipinaubaya na niya kay outgoing House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang pagpili sa susunod na lider ng Kamara.

Ayon sa Pangulo – mga kaibigan niya kasi ang mga naghahangad na maging speaker at ayaw niyang magkasamaan pa ng loob kapag siya ang pumili.


Gayunman, tinanggihan din daw ito ni Arroyo.

 

Sa thanksgiving party ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) noong Lunes ng gabi, matatandaang biniro pa ni Pangulong Duterte si Arroyo na kung hindi siya pipili ay ibabalik niya ito sa kulungan.

Pabiro pa nitong itinali ang kamay ni Arroyo habang nakapaligid sa kanya sina Marinduque Representative Lord Allan Velasco at Leyte Representative Martin Romualdez na kabilang sa mga nagnanais makuha ang posisyon.

Samantala, ayon sa Pangulo – kung talagang ayaw ni Arroyo, bahala na aniya ang mga miyembro ng Kongreso na magbotohan kung sino ang gusto nilang maging house speaker.

Facebook Comments