Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte subukan ang pagkakadalubhasa ng Singapore sa desalination process.
Ito ay sa gitna ng krisis sa supply ng tubig sa Metro Manila at kalapit probinsya.
Tinalakay ito ng Pangulo kay Singapore Ambassador to the Philippines Gerald Ho Wei Hong sa Malacañan.
Sabi ng Pangulo kay Ho – kinakailangan ng Pilipinas ng payo mula sa Singapore lalo na sa pagresolba sa problema sa tubig.
Tugon naman ni Ho sa Pangulo na mayroong matibay at magandang bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at Singapore.
Ang Singapore ay may tatlong desalination plants, na kayang mag-produce ng 130 million gallons kada araw at kayang punan ang 30% ng water demand ng kanilang bansa.
Facebook Comments