Hihintayin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung palalawigin ang umiiral na Marital Law sa Mindanao.
Sa Press Conference sa Malacañang kagabi, sinabi ng Pangulo na wala pa siyang natatanggap na anumang rekomendasyon.
Pero ipapaubaya na niya sa militar ang magiging assessment para rito.
Una nang sinabi ng AFP na pinag-aaralan nila ang posibleng extension ng Batas Militar sa Rehiyon.
Matatandaang inilagay sa Martial Law ang Mindanao mula pa noong May 2017 kasunod ng pag-atake ng Maute Terrorist Group sa Marawi City.
Nakatakdang mapaso ang Batas Militar sa December 31, 2019.
Facebook Comments