PRRD, hinamon ang mga kritikong sampahan siya ng impeachment

Manila, Philippines – Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga kritikong kasuhan siya ng impeachment case.

Ito ay kasunod ng pahayag nitong pagpapahintulot sa mga mangingisdang Tsino sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Sa interview sa Malacañang kagabi, nagbanta ang Pangulo na ipapakulong niya ang mga ito.


Giit ng Pangulo, may mas malaking layunin ang kailangang protektahan kaysa sa mga nakasaad na probisyon sa 1987 Constitution.

Matatandaang sinabi ni dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario na maaaring ma-impeach ang Pangulo dahil sa kabiguan nitong protektahan ang teritoryo ng Pilipinas.

Una na ring sinabi ni Senior Associate Justice Antonio Carpio at Vice President Leni Robredo na labag sa konstitusyon ang pananatili ng mga Chinese sa EEZ.

Facebook Comments