Manila, Philippines – Hinamon ng grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) Spokesperson Sammy Malunes si Pangulong Rodrigo Duterte na pairalin na ang kamay na bakal upang mapababa ang presyo ng mga pangunahing bilihin at usapin ng kontrakwalisasyon sa bansa.
Sa ginanap na forum sa Tapatan sa Manila sinabi ni Malunes na dismayado ang KMU dahil ang pagbaba umano ng presyo ng mga pangunahing bilihin ay hindi naramdaman ng mga manggagawa dahil patuloy pa rin ang pagtaas ng mga pangunahing bilihin.
Paliwanag ni Malunes talamak pa rin aniya ang kontrakwalisasyon at aminado umano si Pangulong Duterte na walang ngipin umano ang kanyang Executive Order (EO) tungkol sa kontrakwalisasyon.
Giit ni Malunes ngayon 2019 dapat magbalangkas na si Pangulong Duterte ng programa para sa mga manggagawa lalo na ang usapin ng kontrakwalisasyon na hanggang ngayon aniya ay hindi pa rin natutugunan ng gobyerno.