Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo na ilabas ang nalalaman niyang impormasyon tungkol sa war on drugs.
Matatandaang sinabi ni Robredo na magbibigay siya ng ulat sa bansa ukol sa mga natuklasan niya at mga rekomendasyon niya sa kamapanya kontra droga.
Iginiit din ni Pangulong Duterte na dapat inuna ni Robredo na makipag-usap sa Law Enforcement, sa mga punong Barangay, at sa mga nangangasiwa ng Drug Rehabilitation
Sinibak ng Pangulo si Robredo bilang Co-Chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Sa loob ng 19-araw na panunungkulan ni Robredo sa ICAD, nakabisita siya sa Anti-Drug Operation sa Navotas, dinalaw ang mga Reformed Drug User sa Bataan, binisita ang Drug Rehabilitation Center sa Quezon City.
Nagawa rin ni Robredo na makapulong ang DILG, DOH, Dangerous Drugs Board, maging ang mga opisyal ng US at United Nations.