PRRD, hindi hihingin ang suporta ng simbahan para i-endorso ang kanyang mga manok para sa midterm elections

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na hindi lalapit si Pangulong Rodrigo Duterte sa anomang religious groups sa bansa para hingin ang suporta ng mga ito at i-endorso ang kanyang mga sinusuportahan para sa darating na halalan.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, hindi ugali o naging estilo ni pangulong Duterte na manghingi ng tulong sa religon sector kahit noong tumatakbo itong Mayor ng Davao City at noong 2016 Presidential Elections.

Pero sinabi din naman ni Panelo na mayroong mga religious leaders na lumapit at nag-alok ng tulong sa Pangulo noong Presidential Elections.


Matatandaan na noong nakaraang Presidential Elections ay inendorso si Pangulong Duterte ng Kingdom of Jesus Christ at ng Iglesia ni Cristo.

Facebook Comments