PRRD, hindi interesadong kasuhan ang mga nasa ouster plot matrix

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya interesado na magsampa ng kaso laban sa mga personalidad at grupo na sangkot sa destabilisasyon ng kanyang administrasyon.

Ito ang pahayag ng Pangulo matapos ilabas ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang diagrams na nagpapakita ng mga indibidwal na idinadawit sa planong pabagsakin ang administrasyon at itaas ang tiyansang maipanalo ang mga pambato ng oposisyon sa halalan.

Sa kanyang talumpati sa campaign rally sa Bohol kagabi, sinabi ng Pangulo na wala siyang balak na kasuhan ang mga ito.


Dagdag pa ng Pangulo na ang grupong Magdalo ang nasa likod ng “Ang Totoong Narcolist” videos kung saan inaakusahan ni alyas Bikoy ang kanyang pamilya at kaalyado sa illegal drug trade.

Iginiit ng Pangulo na black propaganda lamang ang mga nilalaman ng mga video.

Tiwala rin ang Pangulo na lalabas din ang katotohanan.

Facebook Comments