PRRD, hindi isinugod sa ospital

Nasa Bahay Pagbabago na dating Bahay Pangarap sa loob ng Malacañang si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang tiniyak ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo matapos lumabas ang balitang isinugod ang Pangulo sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

Ayon kay Panelo, inaatupag ng Pangulo ang pagbasa, pagpirma at pag-aaral sa mga mahahalagang dokumento.


Kaugnay nito, nagpadala ng larawan sa mga media si dating Special Assistant to the President Bong Go na kasama ang Pangulo.

Sa nasabing larawan, makikitang magkaharap sina Go at Pangulo na nakasuot ng short at nagbabasa ng dyaryo na may petsang May 19, 2019.

Facebook Comments