Manila, Philippines – Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang i-e-endorsong susunod na house speaker.
Kabilang sa mga naglalaban-laban sa pagka-speaker ng Kamara ay sina Davao Del Norte Representative Pantaleon Alvarez, Taguig Representative Alan Peter Cayetano, Leyte Representative Martin Romualdez at Bayan Muna Representative Carlos Zarate.
Sa interview sa Malacañan kagabi, humingi ng sorry ang Pangulo at nais niyang magkaroon ng patas na labanan.
Dagdag pa ng Pangulo – hindi na siya mangingialam sa house speakership race dahil ayaw niyang masaktan ang sinuman sa mga ito.
Sinabi rin ng Pangulo na iminumungkahi niya ang term sharing sa pagitan nina Cayetano at Velasco.
Isa pa sa suhestyon ng Pangulo “coin toss” na lang.
Matatandaang inanunsyong si Velasco ang pambato ng PDP-Laban sa posisyon.
Ang mga mambabatas ay boboto ng susunod na speaker sa pagbubukas ng sesyon ng 18th Congress sa June 22 o sa mismong araw ng State of the Nation Address ng Pangulo.