PRRD, hindi nakadalo sa belt and road gala dinner dahil sa migraine

Hindi nakadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa gala dinner na inihanda ng China para sa world leaders at delegates sa ikalawang Belt and Road Forum.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – nagkaroon ng migraine ang Pangulo kaya nilaktawan niya ang event.

Hindi naman nabanggit ni Panelo kung nagpadala ang Pangulo ng kinatawan sa gala dinner.


Bago ito, dumalo ang Pangulo sa opening ceremony, nagtalumpati sa high-level meeting at sinaksihan ang paglalagda ng 19 trade at investment agreement sa pagitan ng Pilipinas at China.

Ngayong araw, inaasahang dadalo ang Pangulo sa ilan pang events kabilang na ang dalawang high-level roundtable sessions bago umuwi ng Pilipinas.

Facebook Comments