PRRD, hindi nakadalo sa Boao economic forum

Hindi nakadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Boao Economic Forum for Asia.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – overworked o napagod ang Pangulo bunsod ng kanyang mahigpit na schedule at campaign sorties.

Aniya, nasa Davao City ang Pangulo nang tumama ang magnitude 6.1 na lindol sa Central Luzon.


Inaasahan sana na magtatalumpati ang Pangulo sa forum na dinaluhan ng nasa 300 Filipino at Chinese business leaders.

Facebook Comments