PRRD, hindi papayag na maging launching pad ng Amerika ang Pilipinas

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na lubusan syang nababahala sa tensyon ngayon sa pagitan ng Iran at Estados Unidos.

Sinabi ng Pangulo na hindi siya nakatutulog sa kaiisip sa posibleng mangyari.

Kabilang sa kanyang pinag aaralan ngayon ay ang mga opsyon o plano sakaling lumala pa ang sitwasyon sa gitnang silangan.


May plan A at plan B aniya silang ikino konsidera at mayroon ding tinitignang hakbang sakaling humantong ang sitwasyon sa worst case scenario.

Nanindigan naman si Pangulong Duterte na hindi niya pahihintulutan na gamiting transit point o launching pad ng Amerika ang Pilipinas para rito magpalipad ng missiles patungo sa kalaban nitong bansa.

Pero pinapayagan aniya ng pamahalaan ang mga gray ship o war ship ng ibang bansa na makapag refuel dito sa Pilipinas.

Tiniyak naman ng Pangulo na hindi nito isasabak sa giyera ng Iran at Amerika ang mga Pilipinong sundalo maliban na lamang kung i-demand ito ng pambansang interest at may pag apruba ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Kanina inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mandatory repatriation sa mga Filipino sa Iraq.

Facebook Comments