PRRD, hindi patatakbuhin ang anak na si Mayor Inday Sara sa pagkapangulo sa 2022

Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi tatakbo sa pagkapangulo ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sa campaign rally ng PDP-Laban sa Bacolod City kagabi, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi siya payag na tumakbo sa presidential position ang kanyang anak.

Una nang sinabi ni Mayor Inday na masyado pang maaga para magdesisyon para rito at posibleng mapagpasyahan niya ito sa taong 2021.


Para kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, hindi na siya magugulat kung si Mayor Duterte ang hahalili sa kanyang ama sa 2022.

Facebook Comments