Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte hindi niya pinagkakatiwalaan si Vice President Leni Robredo.
Ito’y matapos italaga ng Pangulo ang Bise Presidente bilang Anti-Drug Czar.
Sa Press Conference sa Malacañang kagabi, sinabi ng Pangulo na ang mga naging hakbang ni Robredo ay hindi nakakatulong para mabigyan siya ng Cabinet Post.
Hindi rin niya pwedeng isama si Robredo sa mga Cabinet Meetings.
Hindi rin batid ng Pangulo kung sinu-sino ang kinakausap at pinupulong ng Bise Presidente.
Pero ipinag-utos ng Pangulo sa mga pulis at militar na sumunod kay Robredo.
Binigyang diin din ng Pangulo na nasa Bicol Region ang may pinakamalaking Drug Manufacturing Apparatuses sa bansa.
Facebook Comments