PRRD, hindi takot na harapin ang anumang imbestigasyon ukol sa war on drugs

Iginiit ng Malacañan na hindi natatakot si Pangulong Rodrigo Duterte na harapin ang anumang imbestigasyon kaugnay sa war on drugs.

Ito ay sa kabila ng pahayag ng Pangulo na hindi ito haharap sa anumang paglilitis na gagawin ng international courts.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – ayaw ng Pangulo na litisin siya ng International Criminal Court (ICC) lalo na at hindi na miyembro ang bansa rito.


Nais aniya ng Pangulo na sa local courts lamang humarap.

Noong March 17, epektibo na ang pagkalas ng Pilipinas sa pagiging miyembro nito sa ICC.

Nitong nakaraang lingo, kinatigan ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na imbestigahan ang giyera kontra droga.

Facebook Comments