Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga susunod na mamumuno ng Kamara na isulong ang pagbabago sa konstitusyon.
Ayon sa Pangulo – sinabi niya ito kina Taguig Representative Alan Peter Cayetano, Marinduque Representative Lord Allan Velasco at Leyte Representative Martin Romualdez.
Dagdag pa ng Pangulo – mahalagang maamyendahan ang saligang batas sa loob ng kanyang termino.
Una nang sinabi ng Pangulo na hindi niya kayang sugpuin ang korapsyon kahit 20-taon pa siyang manungkulan bilang Pangulo sa ilalim ng 1987 Constitution.
Kaya pinapapalitan niya ito ng panukalang Federal Form of Government na layong resolbahin ang national economic at power imbalances.
Facebook Comments