Manila, Philippines – Humingi si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga public school teachers ng kaunting pasensya para sa umento ng kanilang sahod ngayong taon.
Ayon kay Duterte – bagamat hindi sapat ang pondo pero titiyakin niyang tataasan ang sahod ng mga guro sa pampublikong paaralan.
Kinausap na niya si Budget Secretary Benjamin Diokno tungkol sa pondong kakailanganin para sa proposed salary adjustment para sa public school teachers.
Nitong Enero, ipinangako ng Pangulo na taasan ang sahod ng mga guro ngayong taon matapos aprubahan ang umento sa sahod ng mga sundalo at pulis.
Facebook Comments