PRRD, humingi ng sorry kay PM Abe kasunod ng maikling pagbisita nito sa Japan

Humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe matapos putulin ang pagbisita nito sa Tokyo kasabay ng Enthronement ni Emperor Naruhito noong October 22.

Sa 35th ASEAN Leaders meeting sa Impact Exhibit and Convention Center sa Nonthaburi, ipinaliwanag ni Pangulong Duterte at PM Abe ang dahilan kung bakit hindi siya nakadalo ng Gala Dinner.

Ilang minuto ring nag-usap ang dalawang lider sa ASEAN-Japan Dialogue.


Nauunawaan naman ni PM Abe ang mga dahilan ng Pangulong Duterte.

Facebook Comments