PRRD, iginiit na walang bansa sa mundo ang may soberenya sa economic zones

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang sinumang bansa sa mundo ang may soberenya sa economic zone.

Kaya hindi maaaring ipaglaban ng Pilipinas ang soberenya nito sa Exclusive Economic Zone (EEZ) sa West Philippine Sea at paalisin ang mga mangingisdang Chinese.

Dagdag pa ng Pangulo – nagkasundo na ang Pilipinas at China na payagan ang mga mangingisda mapa-Pilipino man o Tsino na makapangisda sa mga pinagtatalunang dagat.


Nanindigan din ang Pangulo na patuloy na gumaganda ang diplomatikong relasyon ng Pilipinas sa China at naisasantabi ang isyu ng agawan ng teritoryo sa pamamagitan ng mga proyekto sa bansa na may suporta mula sa Chinese government sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Facebook Comments