PRRD, iginiit na walang korapsyon sa pagpili ng 3rd telco

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang korapsyon sa pagpili sa Mislatel consortium bilang ikatlong telecom player sa bansa.

Sa kanyang ika-apat na SONA, nais ng Pangulo na gawin ng third telco ang tungkulin nito na magbigay ng magandang serbisyo sa mga subscribers.

Hinamon din niya ang ikatlong telco na siguruhing maibibigay nito ang mabilis at maasahang telecom service lalo na sa mga malalayong lugar.


Sinabi ni Pangulong Duterte na si Secretary Gringo Honasan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang tututok sa progresong ito.

Una nang tiniyak ang nationwide coverage na 84.01%, minimum connectivity speed na nasa 55 megabits per second o mbps at capital and operating expenditures na 27 billion pesos sa ika-limang taong operasyon nito.

Facebook Comments