Manila, Philippines – Ikinagalit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang patuloy na korapsyon at ‘red tape’ sa gobyerno.
Ayon sa Pangulo – tila mabibigo ang gobyerno lalo at hindi maresolba ang problema ng katiwalian sa loob ng kanyang termino.
Nasupresa aniya siya nang malaman na may mga nakabinbing aplikasyon sa National Economic and Development Authority (NEDA)
Muli rin inihayag ng Pangulo ang pagkadismaya sa mabagal na land conversion process.
Inamin din ng Pangulo na nag-walk out siya ng cabinet meeting nitong Miyerkules, February 6 dahil pinagtatalunan kung paano mapaikli at mapabilis ang land conversion process.
Sinabi naman ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na sa pag-uusap kasama ang agriculture, agrarian reform at environment departments, may mga panukala nang isinusulong para mapabilis ang buong conversion application process sa 30 working days.