Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga awtoridad na gumamit ng independent communication system lalo na sa mga kalamidad at iba pang emergencies.
Ito ay para tiyaking gumagana ng maayos ang response at relief operations.
Ayon sa Pangulo – hindi dapat nakadepende ang gobyerno sa private telecom companies sa oras ng kalamidad.
Dagdag pa niya, maaaring magsimula ang gobyerno na magkaroon ng sarili nitong communication project sa katapusan ng taon.
Iminungkahi pa niya na bumalik sa paggamit ng tradisyunal na communication system tulad ng two-way radios.
Facebook Comments