Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinibak niya si Government Service and Insurance System (GSIS) President and General Manager Jesus Clint Aranas.
Sa kanyang talumpati sa Alangalang, Leyte kagabi, iginiit ng Pangulo na nananatiling problema ang korapsyon sa pamahalaan.
Dagdag pa ng Pangulo – may mga sisibakin pa siyang mga opisyal sa Bureau of Customs (BOC).
Una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na tinanggap ng Pangulo ang resignation ni Aranas.
Bago ito, itinanggi rin ni Panelo na hiniling ng Pangulo kay Aranas na magbitiw.
Sa kanyang resignation, sinabi ni Aranas na nag-resign dahil sa mga personal na rason.
Facebook Comments