Manila, Philippines – Plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim ang lalawigan ng Masbate sa Agrarian Reform Program.
Ayon sa Pangulong Duterte – plano niyang mamahagi ng agricultural lands sa mga farmer beneficiaries.
Inatasan na ng Pangulo si Agrarian Reform Secretary John Castriciones na tiyaking matatanggap ng mga benepisyaryo ang kanilang mga lupa.
Ipaprayoridad ng Pangulo ang distribution ng lupa ng gobyerno sa land reform beneficiaries at target niyang kumpletuhin ang Agrarian Reform Program bago matapos ang kanyang termino.
Facebook Comments