Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang gabinete na ilunsad agad ang mga proyektong matatapos sa loob ng kanyang termino.
Nabatid na magtatapos ang panunungkulan ni Pangulong Duterte sa Hunyo 2022.
Sa kanyang talumpati sa Cotabato City, sinabi ng Pangulo na sa natitirang higit dalawang taon niyang termino, umaasa siyang umuusad na ang mga proyekto bago siya umalis sa pwesto.
Bago ito, nirebisa ng gobyerno ang listahan ng mga proyekto sa ilalim ng “Build Build Build” Program.
Ang updated list ay binubuo ng flagship infrastructure projects na nasa ilalim ng limang kategorya: Transport and Mobility; Power; Water; Information and Communications Technology; at Urban Development and Renewal.
Facebook Comments