PRRD, inatasan ang PhilHealth na gawing boluntaryo ang pagbabayad ng premium ng mga OFWs

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing boluntaryo na lamang ang pagbabayad ng premium ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa PhilHealth.

Kasunod narin ito ng pag-tutol ng mga OFWs sa pagtaas ng bayarin nila sa premium sa PhilHealth.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nagbigay na ng direktiba sa PhilHealth si Pangulong Duterte para gawing boluntaryo ang pagbabayad ng premium ng mga OFW.


Ani Roque, ngayong may pandemic ng COVID-19 at maraming OFWs ang nawalan ng trabaho ay dapat hindi muna magpataw ng dagdag na pahirap sa mga tinaguriang bagong bayani.

Facebook Comments