PRRD, inihalintulad ang ilang pari kay ‘Padre Damaso’

322

Ikinumpara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang kaparian sa isang karakter na prayle sa isa sa mga libro ni Gat. Jose Rizal.

Ayon sa Pangulo – may ilang pari ang nagsasagawa ng pangmomolestya, pananakit at kabaklaan sa kapwa pari.


Aniya, mahahalintulad sila kay ‘Padre Damaso’ ng ‘Noli Me Tangere’.

Naaawa rin ang Pangulo kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle dahil sa mga maling ginagawa ng kanyang mga kasamahan sa simbahan.

Nanindigan ang Pangulo ang hindi siya titigil na banatan ang simbahang Katolika hangga’t hindi ito nagpapatupad ng pagbabago at hindi hihinto sa pambabato ng kritisimo ukol sa umano ay paglabag sa karapatang pantao.

Facebook Comments

From Advertisers