PRRD, inilipat kay DILG Sec. Eduardo Año ang procurement powers para sa PNP

Inalis na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang procurement power ng Philippine National Police (PNP).

Ito’y matapos manggalaiti ang Pangulo dahil sa potential overpricing ng radar speed guns project.

Sinabi ng Pangulo na si DILG Sec. Eduardo Año ang mangangasiwa sa procurement para sa PNP.


Ang Radar Speed Gun, na ginagamit para hulihin ang mga kaskaserong driver, ay nagkakahalaga lamang ng 10,000 Pesos sa kanyang hometown sa Davao City subalit ipinapanukala ng PNP ang ₱950,000 na budget para rito.

Ayon sa Pangulo, tinimbrehan siya ng intelligence officials tungkol dito.

Magsilbi ring babala aniya ito sa iba pang government agencies.

Facebook Comments