PRRD, inirekomendang isailalim sa kontrol ng Comelec ang Daraga, Albay

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Commission on Elections (Comelec) na isailalim ang Daraga, Albay sa kanilang kontrol kasunod ng pagpatay kay Ako Bicol Representative Rodel Batocabe.

Ayon sa Pangulo – ipapaabot niya ang rekomendasyong ito kay Comelec Chairperson Sheriff Abas.

Iginiit pa ni Duterte na hindi niya hahayaang magkaroon ng “political terrorism, oppression at intimidation” sa nalalapit na 2019 Midterm elections.


Base sa Comelec resolutions, maaring hawakan ng poll body ang isang lugar kung mayroong matinding political rivalry sa pagitan ng ilanjg kandidato at kung mayroong presensya ng paramilitary forces at private armies.

Sa ilalim ng Comelec control, magkakaroon ang poll body ng full control at supervision sa lahat ng national at local government agencies, maging sa mga military officers na nakatalaga sa area of concern.

Facebook Comments