PRRD, ipagdidiwang ang kanyang kaarawan sa Davao City

Kinumpirma ng Malacañang na sa bahay lamang sa Davao City magdiriwang ng ika-74 taong kaarawan si Pangulong Rodrigo Duterte sa March 28.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, walang magarbong handaan para sa birthday ng Pangulo.

Aniya, private time lamang kasama ang pamilya ang gagawin ng Pangulo sa Huwebes.


Matatandaang sa mga nakalipas na kaarawan ng Pangulo, nasa bahay lamang niya ito sa Davao City.

Facebook Comments