PRRD, ipinag-utos ang malalimang imbestigasyon ng pagpatay sa isang abogado sa Negros Oriental

Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng malalimang imbestigasyon sa pagpatay kay Atty. Anthony Trinidad sa Negros Oriental.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – mariin nilang kinokondena ang pagpatay sa abogado.

Aniya, nais ng Pangulo na matukoy ang mga salarin at ang motibo sa pamamaslang.


Tiniyak ni Panelo, mananagot sa batas ang mga suspek

Kasabay nito nagpaabot ng pakikiramay ang Palasyo sa pamilyang naulila ni Trinidad.

Facebook Comments