Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “freezing” sa ilang matataas na opisyal at empleyado ng Bureau of Customs (BOC).
Ito ay sa gitna ng alegasyon ng korapsyon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – ang pangalan ng mga sangkot na customs officials at employees ay isasapubliko anumang araw.
Mahaharap aniya ang mga ito ng administrative at criminal charges.
Iginiit ni Panelo na walang sasantuhin ang anti-corruption campaign ng Pangulo.
Tiniyak ng Palasyo na patuloy ang administrasyon na isiwalat ang anumang katiwalian at alisin ang mga korap na opisyal at empleyado.
Facebook Comments