PRRD, ipinag-utos ang pagpapadala sa US ng notice of termination para sa VFA

Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpadala sa US government ng notice of termination para sa visiting forces agreement o VFA.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo – inatasan na ng Pangulo si Executive Secretary Salvador Medialdea na sabihan si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin na magpadala ng nasabing notice sa Amerika.

Bukod dito, sinabi rin ni Panelo na mayroon ding nakatakdang pag-uusap si Pangulong Duterte kay US President Donald Trump.


Hindi pa aniya malinaw kung ano ang magiging agenda ng pag-uusap.

Matatandaang nagbanta si Pangulong Duterte na babawiin ang VFA kung hindi ibabalik ng US ang kinaselang visa ni Senador Ronald Dela Rosa.

Sa ilalim ng VFA, pinapayagan ang US troops na magsagawa ng pagsasanay kasama ang Philippine Military sa disaster response at anti-terrorist operations, pero bawal sumama ang US forces sa combat operations.

Ang VFA ay ratipikado ng ating Senado noong 1999.

Facebook Comments