Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Agriculture (DA) na suspendihin ang pag-aangkat ng bigas.
Sa Press Conference sa Malacañang kagabi, inaatasan ng Pangulo si Agriculture Sec. William Dar ang suspensyuon ng rice importation kasabay ng Harvest Season para sa Local Rice.
Pero iginiit ng Pangulo na mahalaga ang Rice Importation upang matiyak ang matatag na supply ng bigas sa bansa.
Handa rin ang Pangulo na gamitin ang pondo ng gobyerno para suportahan ang mga lokal na magsasaka.
Papakiusapan ng Pangulo ang Kongreso at ang DA na maglaan ng pondo na gagamitin sa pagbili ng bigas mula sa mga lokal na magsasaka.
Facebook Comments