PRRD, ipinag-utos sa militar at pulis na patayin ang mga kandidatong hindi isusuko ang kanilang armas

 

 

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang militar at pulis na patayin ang sinumang kandidato sa may 13 midterm elections na hindi isusuko ang kanilang high-powered firearms.

 

Ayon sa pangulo, ang mga kandidato ay limitado lamang sa 2 police escort at hindi maaaring magbitbit ng matataas na kalibre ng armas.

 

Kasabay ng kautusan ng pangulo, umiiral rin ang election gun ban na ipinatupad noong Enero 13 hanggang Hunyo 12.


 

Sa ilalim ng gun ban period, bawal magdala o magbiyahe ng armas maliban na lamang kung may pahintulot mula sa Comelec on ban on firearms and security personnel.

 

#RMNbantaybalota2019

Facebook Comments