PRRD, ipinagdiriwang ang kanyang 74th birthday ngayong araw

Ipinagdiriwang ngayong araw, March 28 ang ika-74 na kaarawan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Pangulong Duterte – kagaya ng nakagawian, nais lamang niyang simple ito kasama ang kanyang pamilya at mga apo.

Ikinuwento rin ng Pangulo ang mga nakalipas na paggunita ng kanyang kaarawan.


Aniya, hindi naman magarbo ang selebrasyon dahil hindi naman siya galing sa isang mayamang angkan.

Dagdag pa ng Pangulo, mas gusto pa niyang matulog kaysa magkaroon ng party.

Para sa kanya, wala na siyang hihilingin pa sa maykapal sapagkat ipinagkaloob na ito lahat sa kanya.

Facebook Comments