PRRD, isinabatas na ang pagpapaliban ng eleksyon sa BARMM

Isa ng ganap na batas ang pagpapaliban ng eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang ganap na batas ang Republic Act no. 115931 na niratipikahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Nangangahulugan din ito na mapapalawig ang termino ng Bangsamoro Transition Authority.


Salig sa orihinal na batas na bumuo sa BARMM, kasabay ng eleksyon 2022 ang unang halalan na gagawin sana sa rehiyon.

Gayunman, dahil sa pag-amyenda ng Kongreso, iniurong ito kasabay ng eleksyon sa 2025 at pinalawig na rin ang termino ng Bangsamoro Transition Authority na syang namamahala ngayon sa bagong tatag na rehiyon.

Nilagdaan ng Punong Ehekutibo ang batas nitong Oct 28, 2021.

Facebook Comments