PRRD, itatalaga ang militar bilang Organizer ng mga susunod na International Event sa Pilipinas

Balak nang magtalaga si Pangulong Rodrigo Duterte ng mga sundalo bilang Organizers ng mga susunod na International Events na gaganapin sa bansa.

Ito ang pahayag ng Pangulo kasunod ng mga problemang nangyari kasabay ng pagho-host ng 30th Southeast Asian Games.

Naniniwala kasi ang Pangulo na mas maayos na Organizers ang militar dahil nagsanay na maging structural.


Dagdag pa niya, nagtalaga siya ng mga dating Military Official sa gobyerno dahil sumusunod agad sila sa utos.

Una nang sinabi ng Pangulo na iimbestigahan niya ang mga aberyang nangyari pagkatapos ng Regional Sports Event.

Facebook Comments