PRRD, itinangging pag-atake sa media ang ginawang pag-aresto sa Rappler CEO

Itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang pag-aresto kay Rappler CEO Maria Ressa ay pag-atake sa media.

Ito ang tugon ng Pangulo matapos magpahayag ng pagkondena ang international organizations sa kanyang administrasyon dahil sa pag-aresto sa isang mamamahayag.

Ayon kay Pangulong Duterte – hindi niya alam na inaresto na pala ng NBI agents si Ressa nitong Miyerkules, February 13.


Dagdag pa ng Pangulo – hindi rin niya kilala si William Keng na siyang naghain ng cyber libel laban kay Ressa at sa researcher nito na si Reynald Santos

Iginiit din ni Duterte na hindi siya maaring magbigay ng opinyon hinggil sa kaso lalo at hindi pa niya nababasa ang ibinabatong alegasyon laban kay Ressa.

Nabatid na nakalaya rin si Ressa matapos maglagak ng ₱100,000 na piyansa.

Facebook Comments