PRRD kailangan pa ng opinyon ng Kongreso sa kung sino ang iuupo sa bagong tatag na DHSUD

Manila, Philippines – Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na matatagalan pa siyang makapaglagay ng kalihim ng bagong tatag na kagawaran o ang Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD).

Matatandaan na nilagdaan ni Pangulong Duterte ang batas na nagbubuo sa nasabing departamento kung saan pagsasamahin nito ang Housing and Urban Development and Coordinating Council at ang Housing and Land Use Regulatory Board.

Ayon kay Pangulong Duterte kailangan pa niyang kausapin sina House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo at Senate President Tito Sotto kabilang na si Senador Koko Pimentel upang makakuha ng idea kung sino ang dapat na italaga bilang kalihim ng DHSUD.


Paliwanag ng Pangulo kaya niya kailangang kausapin ang mga ito ay upang matiyak na gusto nila ang iuupo niya sa posisyon at siguradong magagampanan nito ang kanyang trabaho.

Facebook Comments