Naniniwala si Vice President Leni Robredo na sobrang kampante si Pangulong Rodrigo Duterte kahit sa kabila ng mga banta ng impeachment laban sa kanya dahil sa pagdomina ng kanyang mga kaalyado sa Kongreso.
Matatandaang sinabi ng Pangulo na ipapakulong niya ang kanyang mga kritiko na magbabalak na sampahan siya ng impeachment dahil sa pagpayag nito na mangisda ang Chinese sa karagatang sakop ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na malakas ang loob ng Pangulo dahil mayroong supermajority sa Kongreso.
Iginiit ni Robredo na ang publiko ang kinakatawan ng mga kongresista at mga senador.
Nakasaad sa Article 11 ng 1987 Constitution, ang Kamara ay may kapangyarihang mag-inisyatibo ng lahat ng kaso ng impeachment.
Ang Senado naman ang may kapangyarihang magdedesisyon sa lahat ng kaso ng impeachment.