Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat maayos ang pagdaraos ng 30th Southeast Asian Games.
Ayon sa Pangulo, bilyu-bilyong Piso ang ibinuhos dito kaya dapat lang na walang aberyang nangyayari sa Sports Event.
Ipinangako rin ng Pangulo na magkakaroon ng imbestigasyon pagkatapos ng Biennial Meet sa ikalawang Linggo ng Disyembre.
Pinagpapaliwanag din ng Pangulo si House Speaker Alan Peter Cayetano, na siyang Chairperson ng Phil. Sea Games Organizing Committee (PHISGOC) kung bakit nagkaroon ng problema sa initial stages ng pagho-host ng Pilipinas.
Pero tiniyak ng Pangulo na hindi sangkot sa anumang katiwalian si Cayetano.
Sa kabila nito, tiwala rin ang Pangulo sa iba pang opisyal ng PHISGOC.
Facebook Comments