PRRD, kinuwestyon ang US Embassy dahil sa pagkakatakas ni dating Iloilo Mayor Mabilog

1722

Kinuwestyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Embahada ng Estados Unidos sa Pilipinas kung bakit nakaalis ng bansa si dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog.

Si Mabilog ay kasama sa 2016 narco list.

Ayon sa Pangulo – binigyan niya ng listahan ang embahada pero nakalusot pa rin ang alkalde at nasa Amerika.

Aniya, layunin ng listahan na hindi makaalis ng bansa ang mga adik sa droga.

Pero naniniwala rin ang Pangulo na posible ring nagtatago ang alkalde sa Canada.

Una nang itinanggi ni Mabilog ang alegasyon at humingi ng mabilis na imbestigasyon dahil nangangamba siya sa seguridad niya at kanyang pamilya.

Na-dismiss sa public office si Mabilog ng Ombudsman dahil sa kasong graft.

Facebook Comments