Inihayag ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na handa si Pangulong Rodrigo Duterte na lumipad sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Ompong.
Ito ang tiniyak ni Roque sa briefing sa tanggapan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC na dinaluhan ng mga gabinete ni Pangulong Duterte at iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan.
Ayon kay Roque, kilala naman ng publiko si Pangulong Duterte at sa oras na gumanda ang panahon ay agad itong lilipad sa ilang lugar na nasalanta ng bagyong Ompong.
Tiniyak din naman ni Roque na patuloy ang pagmo-monitor ni Pangulong Duterte sa mga kaganapan sa buong bansa at nandito lamang sa Metro Manila.
Sa ngayon aniya ay inatasan ni Pangulong Duterte ang lahat ng kanyang gabinete na magulat sa bayan sa mga ginagawnag hakbang ng pamahalaan para matulungan ang mga kababayang nasalanta ng bagyo at dumalo sa briefing mamayang 3:00 ng hapon sa NDRRMC.
Sinabi naman ni Special Assistant to the President Secretary Gong Go na pinatitiyak ni Pangulong Duterte sa lahat ng gabinete ang agaran at sapat na relief assistance sa mga nasalanta ng bagyo.
Partikular aniya na inatasan ng Pangulo sina Transportation Secretary Arthur Tugade, Labor Secretary Silvestre Bello III at Political affairs Secretary Francis Tolentino na tiyakin na hindi ma made-delay ang pagbibigay ng tulong sa mga dinaanan ng bagyo.