Tiniyak ng Malacañang na tatanggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang imbitasyon ni US President Donald Trump na bumisita siya sa Estados Unidos.
Bago ito, ipinag-utos ng Palasyo sa Bureau of Immigration (BI) na huwag papasukin sa Pilipinas ang dalawang US senators na nagsulong ng probisyong nagbabawal na makapasok sa Estados Unidos ang mga nasa likod ng pagpapakulong kay Senadora Leila de Lima.
Bukod dito, oobligahin din na kumuha ng visa ang lahat ng American citizen na nais bumisita sa bansa.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo – tutugon naman ang Pangulo sa imbitasyon pero tatangihan lang niya ito.
Pero nilinaw ni Panelo na walang sama ng loob si Pangulong Duterte kay President Trump.
Samantala, tinawanan lang ni De Lima ang pahayag ng Palasyo.
Sinabi ng senadora na walang sinumang nasa panig ng katotohanan ang maniniwalang patas ang justice system sa Pilipinas.
Wala na ring naniniwala sa mga sinasabi ng Malacañang at sila-sila lang ang naglolokohan.