Inatasan ng pamahalaan na magtrabaho ng 24 oras ang lahat ng ground units para matiyak na ligtas ang lahat sa mga tinamaan ng lindol sa Davao Region at matiyak na handa para sa mga aftershocks.
Ito ang sinabi ni Secretary to the Cabinet Karlo Alexei Nograles kasabay ng pagsasabing mahigpit ang ginagawang monitoring ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ginagawang operasyon ng mga otoridad.
Ayon kay Nograles, on top of the situation ang national government katuwang ang Local Disaster Risk Reduction Management Offices.
Lahat aniya ng pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng lindol ay ibibigay ng gobyerno kabilang ang medical assistance.
Nagpakalat na rin aniya ng security forces para masiguro na lahat ng mga ari-arian ng mga nagsilikas sa evacuation centers ay ligtas at napo protektahan.