Magpupulong ngayong araw si Pangulong Rodrigo Duterte at Russian President Vladimir Putin.
Magaganap ito sa lungsod ng Sochi.
Ilang kasunduan ang inaasahang malalagdaan sa pagitan ng dalawang lider.
Inaasahan ding magtatalumpati ang Pangulo sa Valdai Discussion Club.
Ayon kay Philippine Ambassador to Russia Carlos Sorreta – gagawing prayoridad ni Pangulong Duterte ang kapakanan ng mga OFW sa Russia.
Pero ikinababahala naman ni Sorreta ang tumataas na bilang ng undocumented OFWs sa Russia.
Panawagan ng ambassador, huwag nang mag-recruit kung ito ay sa ilegal na paraan.
Magiging kakaiba rin ang official visit ng Pangulo sa Russia dahil ibabahagi niya ang kulturang Pilipino.
Target din ng Pangulo na makumbinsi ang mga Russian investors na mamuhunan sa Pilipinas.
Una nang sinabi ng Malacañan na mapapalawak pa ang kooperasyon ng dalawang bansa sa sektor ng trade and economics, defense and military, health, at science and technology.