PRRD mas gugustuhing akusahan ng EJK kaysa sa korapsyon

Mas nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na akusahan siyang nagkasala ng extrajudicial killings o EJK kaysa sa korapsyon.

Ayon sa Pangulo – ayaw niyang maharap sa anumang corruption-related charges sa Office of the Ombudsman.

Tiniyak niyang ni-singko sentimo ay wala siyang kinukubra.


Ang pahayag ng Pangulo ay kasunod ng paghihimok ng ilang bansa at amnesty international sa United Nations na imbestigahan ang mga pagpatay sa ilalim ng giyera kontra droga.

Facebook Comments